Saturday, February 26, 2005

poem by ME

letter...


Tagal ko nang hindi nagpopost dito.. la lang... Malungkot kasi ako.. ='(
It's a long weekend for me kasi nung Friday (Feb 25) la pasok.. eun... Gusto ko na ngang pumasok eh kahit madaming assignments and tests... Pero di ko lam kung bakit... sta lam ko malungkot ako.. (Lagi naman eh.. di ba?)
Last Thursday, la kami masyadong ginagawa kaya sumulat na lang ako kay *taz* (sta.. lam na niya kung sino siya..) eun... pinabigay ko eun kei kuya Jaykee.. Natatakot nga ako na hindi eun basahin eh... Tas meron pala kong hindi nailagay dun.. kaya may letter ulit ako sa kanya... I doubt kung magrereply siya... xempre.. sorang sakit kung hindi siya magrereply.. I really wish na magreply siya... (asa!) sta... i really miss *taz*.. xempre nakakamiss ung dati.. nunng friends pa kami.. (waahh.. iyak na ako..) kung hindi siya magreply.... hindi pa rin ako susuko.. bwarrharrharr... CHOKE! come what may.. in GOD I trust... ='(



may poem pala ako ulit.. ako gumawa nito... grabe.. based on experience???... sta... for someone ulit... ung someone na un.. para sa kanya rin ung una kong poem (ung tagalog ha..)



Isang Gabi



Isang gabi sa aking buhay
Isang gabi kung saan ikaw lang talaga
Ikaw lang talaga ang nilalaman ng aking isipan
Isang gabi na ako'y talagang nagdurusa


Hindi ko alam ang gagawin
Sinasaktan na lang ang aking sarili
Tinatanong ang hangin
Kung bakit kailanangan itong mangyari sa akin


Ginawa na ang lahat
Nagpakababa na at naging tanga
At umabot pa nga sa punto
na kahit masakit ay ginawa
Itangging minamahal kita
Huwag ka lang lumayo sa akin sinta


Gusto ko'y iyong aminin
Kung ano ba talaga ang iyong saloobin
At nang di ko lubos na dibdibin
Ang pag-iwas mo sa akin


Ito'y isang gabi
Na ang puso ko'y pawang di makaintindi
Gabi ng pagsisisi
Hindi alam kung galit ang nasa sarili


At sa tuwing maalala ka
At makita ka na kasama siya
Puso ko'y nadudurog, luha ko'y tumutulo
Pero parang may bumubulong, na kahit masakit, makita lang kita ay ayos na


At sa Gabing iyon ako'y nanghinayang
Dahil dapat tayong dalawa ang magkasama
Subalit siya ay umeksena
Ngunit hindi naman mababago ang mga pangyayari
ipukpok man sa pader ang sarili


Gabi na kung saan ang luha ko'y bumaha
Dahil sa ginawa niyong dalawa sa akin
At kahit hindi natupad ang hiling
na ika'y makapiling
Nandito pa rin ako upang ika'y mahalin


0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home