Monday, February 07, 2005

eto na ung poem... help nyo po ako sa title... zanks!

______________________
Marvic Therese Villoso

Masyado na akong nasaktan
Ngunit wala nga pala akong karapatan
Di ko lang alam
kung kanyang nararamdaman
Na ang puso ko’y nasasaktan

Isa kong malaking pagkakamali
ay ang puso ko’y nawili
na mahalin siya
Bakit ko ba pinagpipilitan
ang sarili ko sa kanya?
Hindi ko talaga kaya

Kaya eto ako ngayo’t lumuluha
Dahil sawi sa unang pag-ibig
Marami nang pinagtanungan
kung paano kakalimutan
Ngunit hindi ko pa rin matagpuan
Ang paraan na ako’y madadalian

Siguro nga ay dapat nang limutin
At sa iba ibaling ang pagtingin
Gusto ko man gawin
Ngunit di ko mapipilit
ang aking sarili
Na kalimutan ang kauna-unahang
Tao na nagpaiyak sa akin
Nang dahil sa pag-ibig



this is for a .... friend... wehehe... sana mabasa nya to... grabeh.... wushu...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home